Isang 3.5 metrong sawa na naka-takas sa lungsod ng Yokohama malapit sa Tokyo ang nahuli matapos itong maka-wala ng dalwang linggo.
Ang retikadong sawa, may bigat na 10 kilo, ay natagpuan sa attic ng apartment na may-ari ng sawa.
Nuong ika-6 ng Mayo ay pinag-hahanap ng mga pulis ang mga lugar na kung saan maaaring maka-takas ang sawa at ito ay hindi nila natagpuan.
Isang eksperto sa pangangaso ang nag-hanap nito sa attic nuong Sabado, inisip nito na ang sawa ay nasa loob pa ng pamamahay ng may-ari.
Ang sawa ay natagpuang naka-pulupot sa attic.
Wala namang nasaktan at wala namang nasiring property nang maka-takas ang sawa ngunit ito ay nag-dulot ng matinding pag-aalala sa mga naninirahan sa lungsod.
Ang lalaki na nag-eedad na 40’s at mayroong 2 anak na isa na nag-aaral sa elementarya at isang 4 na taong gulang. Idinagdag niya na gumaan ang kanyang pakiramdam dahil hindi niya pinalalabas ang mga bata hanggang sa matagpuan ang sawa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation