TOKYO- sa hindi inaasahang post-pandemic recovery, isang pares ng premium Japanese melon ay nabenta sa halagang 2.7 milyong yen sa isang auction, mahigit 22 beses na presyo kumpara nuong nakaraang taon.
Ang price tag ng kauna-unahang auction sa panahong ito para sa sikat na Yubari melons ay maliit pa rin kumpara sa pag-tatanim ng nasabing prutas.
“Ang recovery price ng taong ito ay makikitang resulta ng mga mamimili upang bigyang lakas ang mga tao sa pamamagitan ng pag-bid ng mataas,” pahayag ng isang wholesale market sa AFP.
Ang successful bidder ay isang lokal na manufacterer ng baby food, na kung saana ng presidente ng kumpanya ay umaasang makapag-bibigay saya sa lahat sa pamamagitan ng kanyang pag-bili nang produkto.
“Kahit marami pa ring negatibong balita, Inaasahan ko na ang pag-bili ko sa produkto ay makapag-bibigay ng ngiti at malampasan ang dinaranas na pandemiya dala ng coronavirus,”ani nito sa national broadcaster ng NHK.
Ang mga binibentang seasonal fruits ay regular na umaakit ng malaking halaga mula sa mga mamimili na nag-hahangad ng ka-sikatan at maraming libreng publicity.
Nuong taong 2019, isang pares ng Yubari melons ay nag-tala ng limang milyong yen ngunit bumagsak ang presyo nito sa halagang 120,000 yen lamang nuong nakaraang taon, kung saan isinisisi ng mga mag-sasaka ang virus sanhi ng pag-iwas ng mga mararangyang tao sa pag-bili ng kanilang mga produkto.
Ang mga melon ay nag-mula sa northernmost main islang ng bansa, sa Hokkaido, isang popular na destinasyon na dinadayo ng mga turista.
Ang rehiyon ay kasalukuyang nasa ilalim ng virus state of emergency kabilang pa ang siyam na prepektura kasali ang kapitolyo ng bansa, sa Tokyo.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation