Large vaccination sites, binuksan na sa Tokyo at Osaka

Sampung prepektura ang kasalukuyang nasa ilalim ng coronavirus state of emergency, kabilang ang Okinawa na idinagdag nuong Linggo. Ang deklarasyon sa siyam na prepektura kabilang ang Tokyo at Osaka ay naka-takdang matapos sa ika-31 ng Mayo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLarge vaccination sites, binuksan na sa Tokyo at Osaka

Ang pamahalaan ng Japan ay sinusubukang mapa-bilis ang pag-papamahagi ng bakuna. Nag-bukas ang mga nag-lalakihang pasilidad sa Osaka at Tokyo para sa pag-babakuna. Nilalayon ng mga opisyal na mabakunahan ang 36 milyong senior citizen sa bansa bago matapos ang buwan ng Hulyo.

Ang pag-babakuna sa dalawang malaking sites ay nag-simula nuong Lunes ng umaga. Ang mga lugar ay pinapa-takbo ng Self-Defense Forces. Ang pasilidad sa Tokyo ay mag-babakuna ng 5,000 shots kada araw gamit ang bagong inaprubahang bakuna ng Moderna, habang ang sa Osaka ay mag-bibigay nang 2,500 na bakuna. Nais nang pamahalaan na madoble ang pinag-samang kapasidad ng dalawang sites sa mga susunod na linggo.

Binisita ni Prime Minister Suga Yoshihide ang Tokyo site at nag-sabi, “Pinanuod ko ang mga doktor ng SDF, mga nurses at staff mula sa isang pribadong sektor na nag-tutulungan na nag-sasagawa ng maayos na pag-babakuna. Nakaramdam ako ng pagka-panatag ng loob. ”

Ang programa ng pag-babakuna sa Japan ay nag-simula nuong Pebrero sa mga health care workers bago pa man bakunahan ang mga matatanda ngayong Abril. Sa kasalukuyan, halos 6 na porsyento pa lamang ng mga taong nag-eedad ng 65 anyos pataas ang naka-tanggap ng unang bakuna, na siyang nagpapa-bagal at napag-iiwanan ng iba pang mga G7 na bansa.

Ang mga sports association ay nakikipag-tulungan sa pamamahagi ng bakuna.

Ang Kokugikan sumo arena sa Tokyo ay ginamit nuong Lunes upang mabakunahan ang mga lokal na mga residente at mga retired wrestlers. Matapos ang pag-babakuna, ang  mga senior citizens ay nakapag-pahinga sa tabi ng ring, kung sakaling sila ay maka-ranas ng matinding reaksyon mula sa bakuna.

Sinisisi ng mga eksperto ang kasalukuyang pag-kalat ng kaso sa mga nararanasang infection variants. Ipinahayag ng health ministry na mahigit 1,300 na COVID-19 pasyente ang nasa malubhang kondisyon nitong Lunes.

Sampung prepektura ang kasalukuyang nasa ilalim ng coronavirus state of emergency, kabilang ang Okinawa na idinagdag nuong Linggo. Ang deklarasyon sa siyam na prepektura kabilang ang Tokyo at Osaka ay naka-takdang matapos sa ika-31 ng Mayo.

Ngunit habang ang bilang ay hindi nag-babago, ikinukunsidera ng mga opisyal na ito ay pahabain pa at isabay sa pag-tatapos ng deklarasyon katulad ng sa Okinawa–June 20.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund