Japan, ilalantad ang mga pangalan ng sumaway sa quarantine

Ipinahayag ng ministeryo na authorized ang kanilang pag-lathala ng mga pangalan ng mga taong hindi tumupad sa kanilang sinumpaan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan, ilalantad ang mga pangalan ng sumaway sa quarantine

Inihahanda ng health ministry ng Japan ang pag-lalahad ng mga ilang katao na hindi sumunod sa coronavirus quarantine rules ng bansa.

Ang panuntunan ay nag-sasaad na ang lahat ng mga dumating sa bansa na nag-mula sa ibang bansa ay magse-self-quarantine sa loob ng 14 araw.

Ang mga bisita ay sinabihan rin na pirmahan ang isang dokumento na nag-sasabi na sila ay nangangakong mag-report ng kanilang ginagawa at kalagayan sa loob ng panahon na sila ay naka-quarantine, sa pamamagitan ng smartphone app o iba pang paraan.

Ngunit ayon sa ministeryo, mahigit 100 katao kada araw ang hindi tumupad sa usapan.

Ang mga opisyal ay nasa huling bahagi na ng arrangements upang ilathala online ang mga pangalan ng mga hindi sumunod sa panuntunan.

Ipinahayag ng ministeryo na authorized ang kanilang pag-lathala ng mga pangalan ng mga taong hindi tumupad sa kanilang sinumpaan. Hindi lamang nila ito ginawa nuon sa kadahilanang sila ay nag-aalala sa mga taong maaaring maka-tanggap ng mga negatibong komento at criticism.

Plano ng ministeryo na baguhin ang course dahil ang coronavirus variants ay patuloy na kumakalat sa buong mundo.  Maaaring malilimitahan nito ang nasabing pag-sisiwalat sa mga pinaniniwalaan nitong naka-papahamak na kaso, tulad ng mga taong hindi pa nagpapa-ramdam sa mga awtoridad sa loob ng maraming araw.

Nag-labas ang ministeryo ng bagong smartphone app nuong kala-gitnaan ng Mayo bilang tugon sa mga report na nagka-problema sa communication settings ang nakaraang app na ginamit.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund