AKITA- inaresto ng mga pulis ng Akita City, Akita Prefecture ang isang 26 anyos na lalaking walang trabaho, sa suspetsang pag-patay nito sa 81 anyos na sariling lola na kasama niya naninirahan sa kanyang tahanan.
Ayon sa mga pulis, inaakusahan si Daichi Horita sa pananakal sa kanyang lola na si Fumi gamit ang isang lubid bandang hapon nitong Miyerkules, pag-uulat ng Sankei Shimbun. Tumawag ang lalaki sa 119. Si Fumi ay agad na dinala sa ospital kung saan ito ay nanatiling walang malay hanggang sa bawian ng buhay nuong Huwebes ng umaga.
Si Horita at ang kanyang lola ang naninirahan sa kanilang tahanan. Sinabi ng mga pulis na umamin naman sa ginawang krimen si Horita, sinabi ng suspek na sila ay nagka-sagutang mag-lola dahil sa paninita nito sa klase ng pamumuhay ng lalaki na nag-sanhi ng pag-init ng ulo ng suspek.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation