Isang babae na positibo ng coronavirus, kinitil ang sariling buhay

"Maaaring nai-kalat ko ang (virus) sa aking pinag-tatrabahuhan," ani ng babae.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

FUKUOKA (TR) – ang isang babae ay kinitil ang kanyang buhay matapos mag-positibo sa novel coronavirus sa takot na baka kumalat sa kanyang trabahuhan ang virus, mula sa ulat ng Nishi Nippon Shimbun (May 24).

Ayon sa mga taong pamilyar sa kaso, ang babae ay nag-simulang magpa-galing mula sa COVID-19, na sanhi ng coronavirus, sa kanayang tirahan sa prepektura nitong buwan.

Subalit, isang kakilala ang nakiapg-ugnayan sa lokal na awtoridad matapos itong hindi ma-kontak. Agad na pumunta ang mga emergency personnel at mga pulis sa tahanan ng babae nang kanila itong natagpuang wala ng buhay, sa isang aso na pinag-hihinalaang pagpapa-tiwakal.

Nitong buwan lamang, isang babaeng kasamahan ng biktima ay nagpa-Polymerase Chain Reaction test, na nag-positibo ang resulta.

&nbspIsang babae na positibo ng coronavirus, kinitil ang sariling buhay

“Maaaring nai-kalat ko ang (virus) sa aking pinag-tatrabahuhan,” ani ng babae sa kanyang liham na iniwan na nakita naman sa loob ng kanyang tahanan.

Ang naturang kaso ay hindi na bago mula ng nag-simula ang pandemiya. Nuong Enero, isang babae sa Tokyo ang nagpa-tiwakal sa takot na mahawa niya ng virus ang kanyang anak.

Sa isang liham na iniwan ng babae, isinulat nito na, “Hindi katanggap-tanggap na ako ay magiging isang pabigat.”

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund