IBARAKI (TR) – isang health center sa lungsod ng Itako ang nag-lathala ng isang “hindi nararapat” na paalala na nag-sasabi na ang mga dayuhan ang sanhi ng pag-taas ng kaso ng novel coronavirus infections, mula sa ulat ng NHK (May 22).
Nuong ika-19 at ika-20 ng Mayo, ang Itako Health Center ay nag-padala ng abiso sa mga nasasakupan nito sa pamamagitan ng email sa agricultural cooperatives at munisipyo.
Naka-saad sa dokumento ang, “Maraming pasyente na mayroong coronavirus na mukhang nahawa mula sa mga banyaga.”
Pinayuhan ang mga ito na, “Kung kayo ay makikipag-usap sa isang banyaga, kayo ay dapat mag-suot ng mask. At huwag din kayong kumain kasama ang mga ito.”
Nuong ika-21 ng Mayo, inalis ng health center at ng Ibaraki Prefectural Infectious Disease Control Division ang nasabing dokumento at nagpahayag na,”Ang nilalaman ng dokumento ay hindi tama o naararapat.”
“Wala kaming intensyon na i-descriminate ang mga banyaga,” pahayag ng Itako Health Center sa NHK, “Kami ay humihingi ng paumanhin kung ang aming nailathala ay misleading o hindi naaakop sa punto.”
Si Shohei Sugita na isang lawyer na sumusuporta sa mga karapatan ng mga banyaga ay pinunto ang Article 14 ng Konstitusyon na walang sinuman ang nag-bibigay pahintulot sa isang ang nasabing kataga na batay sa isang nasyonalidad dahil nauuwi ito sa diskriminasyon.
“Ang pag-tatangi nito sa pagitan ng mga hapon at dayuhan ay nag-bibigay ng impresyon na ang impeksyon ay kumakalat dahil sa mga dayuhan, na siyang nakaka-dismaya,” ani ni Sugita.
Source: Tokyo Reporter
Image: NHK
Join the Conversation