Higanteng tsinelas dinisplay para ipag-dasal na matapos na ang pandemiya

Ayon sa mga kwento, tinatakot ng mga sandalyas ang panginoon ng mga salot sa pamamagitan ng pagpapa-kita na may higante sa paligid.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspHiganteng tsinelas dinisplay para ipag-dasal na matapos na ang pandemiya

Idinisplay ang isang higanteng dayaming tsinelas sa isang lugar malapit sa Tokyo upang ipag-dasal na matapos na ang dinaranas na pandemiyang sanhi ng coronavirus.

Ang mga tsinelas na may sukat na 1.2 metro ang lapad at limang metro ka-haba, ay inilagak sa kahabaan ng national highway sa Nagatoro Town sa prepektura ng Saitama nuong Linggo.

Isang banner na may kasulatan na dasal para matapos na ang pandemiya ay ikinabit sa tabi ng mga sandalyas, at isang Shinto ritual ang isina-gawa.

Ang rehiyon ng Chichibu sa prepektura kung saan ang lugar ay may tradisyon na mag-sabit ng mga sandalyas na gawa sa dayami upang itaboy ang mga salot.

Ang kaugalian na tina-tawag na “Fusegi” ay nagsa-sangkot ng pagdi-display ng mga sandalyas sa pasukan ng taniman. Ang kaugaliang ito ay gina-gawa pa rin sa ibang mga lugar.

Ayon sa mga kwento, tinatakot ng mga sandalyas ang panginoon ng mga salot sa pamamagitan ng pagpapa-kita na may higante sa paligid.

Ang preisdente ng isang asosasyon na siyang nag-lalayon na mapana-tili ang tradisyon at nag-sabi na nagtu-tulungan ang bawat miyembro upang magka-gawa ng malaking pares nang matibay na sandalyas upang labanan ang virus.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund