Ayon sa pahayag ng Japan Health Ministry, umabot na sa 1,100 na seniors ang binigyan na ng coronavirus vaccine sa unang araw ng pag-babakuna ng bansa para sa mga matatanda.
Ang pag-susumikap na mabakunahan ang mahigit 36 milyong katao na nag-eedad ng 65 anyos pataas sa buong bansa na nag-simula nuong Lunes.
Mahigit 1.12 milyong medical workers ang naka-tanggap ng unang dose nuong Pebrero. At 560,000 katao na ang naka-tanggap na nang kanilang ikalawang bakuna.
Ang bilang ng doses na avilable para sa mga matatanda ay limitado lamang. Mahigit 50,000 doses ang nai-deliver na sa mga munisipalidad sa buong bansa nuong Linggo.
Ayon sa ministeryo ang bilang ng mga matatandang naka-tanggap na nang kanilang unang bakuna na bumubuo sa bilang na 1,139, nang alas-7 ng gabi nuong Lunes
Plano ng ministeryo na pabilisin ang pagde-deliver. Inaasahan na ang bawat munisipyo ay magkakaroon ng sapat na doses ng bakuna pag-sapit ng katapusan ng Hunyo para mabigyan ang mga matatanda ng kanilang ikalawang bakuna.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation