Di maka move-on na lalaki, arestado sa pagsiksik ng mga fried chicken sa mailbox ng kanyang ex

Inaresto ng pulis ang isang lalaki dahil sa kasong stalking at pagsiksik ng mga fried chicken sa mailbox ng bahay ng kanyang ex girlfriend.  #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng pulis ang isang lalaki dahil sa kasong stalking at pagsiksik ng mga fried chicken sa mailbox ng bahay ng kanyang ex girlfriend.

Ang hindi maka move on na lalaki na si Kengo Harada, isang 29-taong-gulang teacher ng isang high school mula sa Lungsod ng Suita, Osaka Prefecture, ay nahuli dahil sa pagpunta sa bahay ng kanyang ex na isang 26-taong-gulang na babae, sa Kobe, Hyogo Prefecture.

Hindi lang mga fried chicken ang siniksik niya sa mailbox kundi pati ang mga pinagkainan na container, plastic at mga plastic straw na galing sa konbini.

Nalaman ang offense ng lalaki dahil nag report ang babae sa police na noong nakaraang buwan ay may nag vandalize ng kanyang sasakyan at malakas daw ang kutob niya na baka ang ex niya ang gumawa nito kayat umaksyon naman ang mga police at lalong hinigpitan ang pag roronda sa lugar.

At doon na nga nakita ng mga police at nahuli sa akto ang lalaking ex habang pumunta ulit sa bahay ng babae at lagyan ng mga fried chicken ang mailbox. Huli sa akto ang lalaki kayat agad itong hinuli at kinulong sa paglabag ng anti stalking law at vandalism.

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund