Pagka-wala ng kuryente, naka-sagabal sa biyahe ng mga tren sa Tokyo

Mahigit 173,800 katao ang naapektuhan at 324 na tren ang tumigil sa loob lamang ng dalawang araw.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPagka-wala ng kuryente, naka-sagabal sa biyahe ng mga tren sa Tokyo

Nag-simula nang mula ang serbisyo ng Tokyu Toyoko Line bandang alas-12:20 ng hapon matapos ang halos 14 oras nang pag-guho na nag-sanhi ng pagka-wala ng kuryente nuong Martes ng gabi. Ayon sa operator ng Tokyu Corp., mahigit 173,800 katao ang naapektuhan at 324 na tren ang tumigil sa loob lamang ng dalawang araw.

Ang insidente ay nangyari malapit sa Jiyugaoka Station sa Tokyo bandang alas-10:20 ng gabi nuong Martes dahil sa umano’y malakas na hangin. Wala namang nasaktan sa nasabing insidente, mula sa ulat ng Tokyo Fire Department.

Ang mga mangga-gawa ay nag-sikap upang maalis ang mga scaffolding na siyang tumama sa power line ng mga riles ay nag-kalat sa tabi ng kalsada na siya namang naging sanhi upang hindi maka-gamit ng malalaking sasakyan.

Ayon sa operator ng tren, ang mga na-istranded na mga pasahero ay sinamahang mag-lakad hanggang sa  makarating sa Yutenji Station.

Nasuspende ang operasyon sa Shibuya Station sa Tokyo at Musashi Kosugi Station sa Kawasaki.

Sinabi ng isang lalaki na nasa kanyang 50’s na siyang nasa katabing gusali ng construction site, ” Nakita ko ang pag-spark mula sa electric wire at inakala na ito ay nasusunog.”

Isang 59 anyos na nuo’y naka-sakay sa isang taxi sa Jiyugaoka Station nuong umaga ng Miyerkules ay nag-sabi na ” Napag alaman ko na huminto ang mga serbisyo mula  sa orihinal na schedule kaya umuwi ako nang mas maaga ng isang oras.”

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund