Sinimulan na ang paglalakbay sa buong bansa ng Olympic torch nitong umaga ng Huwebes matapos ang isang taon na pag-aantay. Sa kadahilanang ang Tokyo 2020 Games ay ikinansela dahil sa dinaranas na pandemiya sa buong mundo.
Ang torch relay ay bibyahe sa 47 prepektura ng bansa at isasa-gawa sa ilalim ng mahigpit na anti-coronavirus measures.
Ang relay ay sinimulan sa northeastern prefecture Fukushima, na siyang sinalanta ng 2011 Earthquake, Tsunami at Nuclear accident.
Isang departing ceremony ang isina-gawa at ang mga opisyales ay nag-bigay ng kanilang talumpati at hangad na malagpasan natin ang pandemiya at ipakita ang pag-sisikap ng bawat tao matapos masalanta ng sakuna 10 taon na ang nakararaan.
Ang presidente ng Tokyo 2020 na si Hashimoto Seiko ay nag-sabi na hangad niya ang ilaw mula sa Olympic Flame ng Tokyo Games ay “Na sa pamamagitan ng pagiging sagrado, makapangyarihan at ningning nito ay mag-silbing ilaw sa pag-asa ng bawat mamamayan sa buong Japan.”
Sinabi ni Uchibori Masao, Gobernador sa Fukushima na “Dito sa Prepektura ng Fukushima, kami ay humaharap sa mga malalaking problema at sinusubukan pang muling maka-ahon mula sa sakunang nangyari nuong 2011. Kung-kaya`t ang torch relay at ang palaro ay napaka-importante sa amin, na mga mamamayan sa Fukushima.”
Ang apoy ay dinala sa Japan mula pa sa bansang Greece nitong Marso.
Ang mga unang tatakbo ay mga miyembro ng Nadeshiko Japan, ang national women`s soccer team na nanalo sa 2011 World Cup matapos masalanta ng sakuna.
Mahigit 10,000 katao ang palnong sumali sa relay, bawat isa ay may dalang torch at tatakbo ng tig-200 na metro.
Dahil sa pandemiya, mahigpit na hakbang ang isinasa-gawa. Sinabihan ng mga opisyales na mag-suot ng mask ang mga manunuod at iwasan na mag-cheer ng malakas para sa mga mananakbo.
Hindi naka-ligtas ang relay sa mga kontribersiya– mahigit 30 katao ang inalis dahil sa pangamba sa pag-kalat ng virus at iba pang mga dahilan.
Ang 121 na araw ay naka-schedule na mag-tapos sa National Stadium sa Tokyo sa ika-23 ng Hulyo, tamang-tama lamang sa oras ng Opening Ceremonies ng palaro.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation