Ginang sinakal ang asawa bago magtangkang kitilin ang sariling buhay

Natagpuan ng mga pulis na rumisponde sa insidente na naglaslas sa kamay ang ginang. "Gusto ko nang mamatay,"ani nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

 

OSAKA (TR) – planong arestuhin ng  Osaka Prefectural Police ang isang matandang ginang dahil sa pag-paslang umano nito sa kanyang asawa, isang krimen na ginawa niya bago niya tangkain kitilin ang kanyang sariling buhay, mula sa ulat ng Sankei Shimbun (March 23.)

Bandang alas-5:00 ng umaga nuong Martes, ang ginang na nasa kanyang 70`s ay inalerto ang emergency services. “Sinakal ko ang aking asawa,” ani nito.

Nang dumating ang mga pulis sa kanilang tahanan sa Imafukuminami area, natagpuan nila si Yu Doi (74) na naka-higa sa taas ng kama.

Si Doi ay agad na dinala sa ospital na nasa estado ng cardiac arrest. Sa kasamaang palad, kalaunan ay kinumpirmang ito ay pumanaw na, sinabi ng Joto Police Station.

Kasama ni Doi nakatira sa kanilang tahanan ang kanyang asawa. Natagpuan ng mga pulis na rumisponde sa insidente na naglaslas sa kamay ang ginang. “Gusto ko nang mamatay,”ani nito.

Dahil sa pag-amin ng ginang sa pag-patay sa kanyang asawa, plano ng mga pulis na kasuhan siya ng murder.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund