Mahigit 70 porsyento ng mga kababaihang hapon ang sumagot sa isang survey na sila ay naka-tatanggap ng preferential treatment sa bansa, habang aabot din ng kalahati ng mga kalalakihan ang sumagot na sila rin ay naka-ramdam ng ganung pag-trato.
Isang research institute na pumapa-bilang sa isang adgiant Dentsu Group ang gumawa ng isang poll ukol sa gender equality nuong nakaraang buwan, nag-tanong sila sa buong bansa at sa mahigit 3,000 kalalakihan at kababaihan na nag-eedad sa pagitan ng 18 hanggang 79.
Napag-alaman umano na 75 porsyento sa mga sinagot ng mga kababaihan ay ang kalalakihan ay madalas mapaboran, o mas paborito sa Japanese society, habang 55 porsyento naman ng kalalakihan ang sumagot ng kaparehong kasagutan.
Itinatanong rin sa survey kailan tataas sa 30 porsyento ang bilang ng mga posisyon ng kababaihan na humahawak sa senior positions. Ang average nang kasagutan ay ito ay maipag-tatanto “makalipas ang 24.7 na taon.”
At para sa bansa na magkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng kauna-unahang punong ministrong babae ay pagka-lipas ng “27.9 nataon.”
Nang itinanong kung kinakailangan bang mag-bigay ng seryosong pag-sisikap upang ipanawagan ang pagkakapantay-pantay ng kasarian, 78 porsyento ang sumagot ng “dapat” o sa palagay nila ay “siguro”.
Sinabi ng research institute na mula sa kabuoan ng henersyon ay malaki ang kagustuhang mai-address ang isyu tungkol sa pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation