Naka-tanggap ng mainit na pamamaalam ang mga guro mula sa isang isla sa Japan

Isang senior high school na nagpa-alam sa kanyang English teacher ay nag-sabi na siya ay naka-ramdam ng lungkot.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang mga mag-bata sa isang isla sa Shimane Prefecture sa western Japan ay namaalam na sa kanilang mga guro na inilipat na sa kanilang mga susunod na trabaho.

Ang mga guro na naka-tanggap ng mga bagong asignatura sa labas ng isla ay kinakailangang lisanin ang Okinoshima Town sa panahong ito, bago pa mag-simula ang bagong school year ngayong Abril.

Nitong Lunes, nag-tipon tipon ang mga mag-aaral at mga kasamahan sa pag-tuturo sa Ferry Terminal upang magpa-alam sa huling pagkaka-taon sa 5 guro na nag-turo sa elementarya, junior high school at senior high school sa isla.

Ang mga bata ay may dalang signboards na may naka-sulat na “Salamat” kasama ang brass band na nag-alay ng isang performance.

Kumaway ang mga tao sa mga guro bilang pamamaalam habang umaandar palayo ang ferry na may mga palamuting papel na naka-sabit sa deck ng barko.

Isang senior high school na nagpa-alam sa kanyang English teacher ay nag-sabi na siya ay naka-ramdam ng lungkot.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund