Nag-bigay ng mga libreng pagkain at inumin ang isang Japanese organization sa mga mag-aaral sa unibersidad na nahaharap sa pinansyal na problema dulot ng pandemiyang dala ng coronavirus.
Siyam na grupo sa Prepektura ng Chiba kabilang ang lokal na agrikultura, pangisdaan at consumers cooperatives ang nag-tulungan upang matulungan ang mga mag-aaral na nahaharap sa kahirapan.
Ang mga mag-aaral ay tinamaan ng husto sa pinansiyal na aspeto dahil sila ay nawalan ng mga part-time jobs sanhi ng pandemiya. Karamihan sa kanila ay namumuhay mag-isa at iginagapang lamang ang sarili upang mabuhay.
Nitong Martes 900 portions ng pagkain at inumin ang ipinamimigay sa isang venue na ginawa sa campus ng isang lokal na unibersidad. Ang mga pagkain na available din sa Miyerkules ay mayroong bigas, de-latang mga isda at instant noodles.
Upang maiwasan ang pag-dagsa ng mga tao, ang mga mag-aaral ay sinabihan na pumunta sa lugar base sa isang iskedyul upang kuhain ang ipinamimigay na pagkain. Sinabi ng mga mag-aaral sa NHK na lahat ay lubos na nagpapa-salamat sa tulong na ipina-abot sa kanila.
Ang mga tao sa likod ng pamimigay ng libreng pagkain ay si Komoda Katsumi, isang executive sa JA Chiba Chuoukai, isang kinakatawan na konektado sa local agricultural cooperative. Sinabi niya na taos-pusong nais tumulong ng mga organizers upang matulungan sa pagkain ang mga mag-aaral dahil ito ay ang pangunahing pangangailangan sa pamumuhay. Idinagdag rin niya na sila ay natutuwa at tinanggap ng mga mag-aaral ang kanilang tulong.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation