Ang simbolo ng Olympics ay magsi-simula na sa pag-lalakbay sa buong Japan ngayong Huwebes na may layunin na makapag-lakbay mula sa prepektura ng Fukushima at malibot ang buong bansa at ang pinaka-huli ay sa Tokyo. Ang torch relay ay dadaan sa 47 na prepektura nang bansa.
Ang relay ay naka-schedule na mag-simula sa national training center, J-village sa prepektura ng Fukushima. Ang nasabing lugar ay nag-silbing base upang harapin ang trabaho para sa decontamination ng bumagsak na Fukushima Daiichi nuclear power plant.
Nais ipa-kita ng mga opisyal ang ginawang pag-sisikap upang maka-bangon mula nuong nagkaroon ng lindol, tsunami at nuclear accident na tumama sa nasabing lugar 10 taon na ang nakalilipas.
Mahigit 10,000 katao ang planong tumakbo upang dalhin ang torch sa bawat lugar.
Dahil sa pandemiya, nag-handa ng mga preventive measures ang mga opisyal para sa mga tatakbo, ibang attendees at spectators.
Ang relay ay mag-tatagal ng 121 araw, at matatapos sa national stadium sa Tokyo nang tama sa oras para sa Opening Ceremony nitong ika-23 ng Hulyo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation