Isang lalaki ang inasulto ang pachinko staff matapos sitahin tungkol sa mask

Ilang beses nang pumunta sa nasabing establisyament si Sato, at palagi itong tumatanggi sa mag-suot ng mask--- isang bagay na kailangan gawin dahil sa coronavirus pandemic.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

KANAGAWA (TR) – inaresto ng mga Kanagawa Prefectural Police ang isang 35 anyos na lalaki dahil sa pang-aasulto umano nito sa dalawang empleyado ng isang pachinko parlor sa Sahamigara City.

Ayon sa mga pulis, ang insidente ay nangyari matapos balaan ng mga empleyado ang suspek na gumamit ng breathing mask, mula sa ulat ng NHK (March 15).

Bandang alas-4:25 ng hapon nuong ika-5 ng Marso, sinipa at sinapak umano ni Satoshi Sato, walang trabaho ang dalawang empleyadong lalaki ng pachinko na nag-eedad ng 31 at 45 anyos.

Sinabi ng mga pulis na ang mga biktima ay nag-tamo ng light injuries.

Sinabi ng Sagamihara-Kita Police Station na tumangging mag-bigay ng pahayag si Sato ukol sa nasabing alegasyon ng umanong kaso ng pananakit na isinampa laban sa kanya nuong siya ay inaresto.

Isang 35 anyos na lalaki, nanakit ng 2 empleyado ng isang pachinko parlor sa Sagamihara City matapos masita dahil sa hindi pag-suot ng mask. Twitter

Ilang beses nang pumunta sa nasabing establisyamento si Sato, at palagi itong tumatanggi sa mag-suot ng mask— isang bagay na kailangan gawin dahil sa coronavirus pandemic.

Nuong araw ng insidente, muling sinita at binalaan ng mga empleyado si Sato dahil sa pag-tanggi na mag-suot ng mask. “Kung wala kang suot na mask, hindi ka maaaring pumasok.” sabi umano ng isa.

“Sige subukan ninyo,” sagot umano nito at matapos nito ay bigla na lamang niyang sinuntok ang mga empleyado. Pagka-tapos nito ay tumakas na ang suspek sakay ng isang motorsiklo.

Si Sato ay naging person of interest matapos suriin ng mga pulis ang mga security camera footage ng establisyamento.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund