Isang babae, pinag-hihinalaang sinaktan muna ang ina bago sunugin ang kanilang tahanan

Kasalukuyang ini-imbestigahan ng mga pulis ang maaaring nangyari at bakit nauwi sa nasabing insidente.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

NAGANO (TR) – inaresto ng Nagano Prefectural Police ang 26 anyos na babae na pinag-hihinalaang nanakit sa kanyang ina bago silaban ang tahanan ng biktima sa lungsod ng Azumino, mula sa ulat ng Jiji Press (March 29.)

Nuong ika-5 ng Marso, inasulto umano ni Yasue Cho, walang trabaho ang kanyang 58 anyos na ina na si Mea sa kanilang tahanan. Matapos nito, ito ay kanyang sinilaban.

Kalaunan ay kinumpirmang namatay si Mea. Ang kanyang katawan ay nagpakita ng panlabas na mga sugat at may natagpuan rin bahid ng dugo sa lugar. Subalit ayon sa mga pulis, ang sanhi ng pagka-matay ay dahil sa sunog.

Hindi nilinaw ng mga pulis kung umamin si Cho sa paratang laban sa kanya sa kasong pag-patay sa ina at panununog nang siya ay maaresto nitong Lunes.

Pinatay ng isang babae ang sariling ina sa pamamagitan ng pag sunog sa bahay ng mga ito sa Azumino City nitong Marso. (Twitter)

Kasama ni Mea na nainirahan sa bahay ang kanyang 58 anyos na asawa. Subalit ang lalaki ay wala sa kanilang tahanan nang mangyari ang insidente.

Nang dumating ang mga awtoridad sa tahanan ng biktima, wala rito si Cho. Ngunit siya ay ipinatawag ng pulis para sa boluntaryong pag-bibigay ng salaysay nuong Lunes ng umaga sa isang residente sa Nagano City.

Kasalukuyang ini-imbestigahan ng mga pulis ang maaaring nangyari at bakit nauwi sa nasabing insidente.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund