Ang Japanese electronics maker na Panasonic ay inilabas na ang high-performance na cooling boxes nitong Martes. Ang produkto ay ginawa dahil nagkakaproblema ang mga health official sa pag-padala at pag- tabi ng mga coronavirus vaccines sa mababang temperatura.
Ang mga kahon ay mayroong 26 liter at 8 liter na modelo at ito ay vacuum-insulated upang mapanatiling malamig ang loob.
Ayon sa Panasonic, ang 26 liter na modelo ay kayang mapanatiling malamig na may temperaturang 79 degrees Celsius o mas malamig pa sa loob ng 18 araw.
Mayroong naka-lagay na sensor sa loob ng kahon upang ma-monitor kung ang cooling box ay gumagana na tama bago pa lagyan ang loob nito ng mga bakuna o iba pang sensitibong bagay.
Sinabi rin ng mga opisyal ng kumpanya na may isa pang sensor sa loob upang ma-monitor ang temperatura sa loob nang hindi na kailangang buksan ang kahon.
Hangad ng senior engineer ng Panasonic na si Kojima Shinya na maka-tulong sa mga medical institutions ang mga kahon dahil ito ay hindi nanganagilangan ng special handling.
Sinabi ng Panasonic na ito ay pare-rentahan nila simula Abril.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation