FamilyMart binuksan na ang next-generation store

Ang ganitong set-up ay maka-tutulong nang malaki sa industriya na nahihirapan dahil sa kakulangan ng mga tauhan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspFamilyMart binuksan na ang next-generation store

 

Isa sa kilalang convenience store sa Japan ay mag-bubukas ng next-generation store nagyong Miyerkules. Ang bagong FamilyMart ay magka-kabit ng mga teknolohiyang maaaring pagaanin ang pamimili at mabawasan ang pangangailangan ng mga trabahante.

Ang bagong tindahan na malapit sa Tokyo Station ay kumakailangan lamang ng isang trabahante. Ang mga camera sa bubong at mga sensors sa mga lagayan ang mag dedetermina kung anong produkto ang kinuha ng mga mamimili. Kapag lumapit sa touch screen na kaha, awtomatikong lalabas ang mga bagay na kanilang kinuha pati na rin ang mga presyo nito.

Ang mga self-service checkouts ay may camera na naka-konekta sa isang screen sa isang kwarto sa likuran. Ang nag-iisang trabahante ng tindahan ang siyang susuri ng mga edad ng mga kostumer na nais bumili ng alak. Ang ganitong set-up ay maka-tutulong nang malaki sa industriya na nahihirapan dahil sa kakulangan ng mga tauhan.

Isang executive ng FamilyMart ay inaasahang na magawa nang mabilis ang mga trabaho sa bagong modelong tindahan.

Ang ibang convenience store rin sa bansa tulad ng Seven-Eleven Japan at Lawson ay sinusubukan din ang kaparehong sistema nito.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund