Canadian hindi naparusahan ukol sa umanong pepper spray incident sa Ota Ward

Hindi magka-kilala si von Jaeger at ang biktima.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO (TR) –inanunsiyo ng prosekyutor ang pagpapa-walang bisa na paratang laban sa isang lalaking Canadian national hingil sa pag-iispray umano nito sa isang lalaki sa Ota Ward nuong nakaraang taon, ulat mula sa TBS News (ika-29 ng Marso).

Nuong Disyembre, inispray-an umano ni Rickmund von Jaeger, 45 anyos sa mukha ng pepper spray ang isang lalaki (54) sa isang kalye.

Ang biktima ay nag-tamo ng pinsala sa kanyang mga mata, ayon sa mga pulis.

Rickmund von Jaeger, Twitter

Ayaw mag-bigay ng komento ni von Jaeger nang siya ay maaresto sa kasong suspicion of inflicting bodily injury nuong Enero, ani ng mga pulis.

Nitong Lunes, inanunsiyo ng prosekyutor kasama ang Tokyo District Public Prosecutor’s Office ang pagpapa-walang sala ni von Jaeger. Wala namang rason kung bakit naging ganon ang resulta.

Ayon sa mga pulis, hindi magka-kilala si von Jaeger at ang biktima. Ngunit, siya ang sanhi ng paulit-ulit na mga insidente sa nabangit na lugar nuong mga nakalipas na panahon, kabilang ang pamumunggo ng mga taong naglalakad sa kalsada.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund