Adachi Ward sa Tokyo, mamamahagi ng mga sanitary products

Ang opisyal ng Ward na si Taguchi Hitomi ay nag-sabi na ang mga sanitary product ay isang pangangailangan ng kababaihan, hinahangad niya na ang ipamimigay na libreng items ay maka-tutulong sa mga kababaihang na-apektuhan ng husto sa pag-bagsak ng ekonomiya sanhi ng pandemiya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAdachi Ward sa Tokyo, mamamahagi ng mga sanitary products

 

Ang Adachi Ward sa Tokyo ay mamamahagi ng mga libreng sanitary products sa mga babaeng residente rito na naka-raranas ng kahirapan sa ekonomiya.

Ang tumataas na bilang ng mga kababaihan sa buong mundo ay hindi nakaka-bili ng hygiene products dahil sa kahirapan.

Ang Toshima Ward sa Tokyo ay nag-simula na ng programang katulad nito bilang pag-sisikap na mai-address ang tinatawag na “period poverty.”

Ang assembly ng Adachi Ward ay nag-usap usap upang gumawa ng paraan upang masuportahan ang mga taong nangangailangan, at pinag-desisyonan na gayahin ang nasabing pamamaraan.

Ang 500 pakete ng sanitary products na itinabi para magamit sa mga emergency ay gagamitin upang ipamimigay.

Ang kada balot ay nag-lalaman ng 43 produkto. Ito ay ipamimigay sa pamamagitan ng mga babaeng staff.

Ang opisyal ng Ward na si Taguchi Hitomi ay nag-sabi na ang mga sanitary product ay isang pangangailangan ng kababaihan, hinahangad niya na ang ipamimigay na libreng items ay maka-tutulong sa mga kababaihang na-apektuhan ng husto sa pag-bagsak ng ekonomiya sanhi ng pandemiya.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund