9 na katao nag-tamo ng pinsala matapos ang lindol nuong Sabado

Isang kuha ng dashboard camera na malapit sa lugar ang nag-papakita ng pag-guho ng isang talampas matapos ang lindol.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp9 na katao nag-tamo ng pinsala matapos ang lindol nuong Sabado

 

Napag-alaman ng NHK na mayroon siyam na katao na nag-tamo ng pinsala sa malakas na lindol na naganap nuong Sabado sa northeastern Japan.

Ang datos ay nakuha mula sa mga pulis, firefighters at municipal officials nuong alas-11 ng umaga nitong Linggo.

Ang lindol ay nag-rehistro nang intensity 5-plus sa Japanese seismic scale ng zero hanggang 7 sa Prepektura ng Miyagi.

Sa lungsod ng Shiogama sa nasabing prepektura na nakaranas ng intensity 4, ang mga trabahador ay sinusubukang alisin ang mga putik at mortar sanhi ng pag-ulan sa mga pampublikong daanan.

Isang kuha ng dashboard camera na malapit sa lugar ang nag-papakita ng pag-guho ng isang talampas matapos ang lindol.

Ang may-ari ng camera ay nag-sabi na siya ay masyadong nini-nerbyos upang matulog. Siya ay nag-aalala na ang pag-ulan at aftershock ay mag-sanhi ng ilan pang pag-guho.

Walang nai-talang napinsala mula sa pag-guho ng talampas, ayon sa mga opisyal ng lungsod.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund