KANAGAWA (TR) – inaresto ng Kanagawa Prefectural Police ang isang matandang lalaki dahil sa pananakal umano nito sa baldadong asawa nito sa Yokohama City, mula sa ulat ng TV Asahi (March 27.)
Nuong ika-25 ng Marso, sinakal umano ni Seiji Ishii, 81 anyos ang kanyang asawa gamit ang isang kurdon sa kanilang tahanan sa Hodogaya Ward.
Ang biktima ay kasalukuyang nasa ospital at walang malay, ayon sa mga pulis.
“Ako ay napagod na sa pag-babantay,” sinabi ni Ishii sa mga pulis. “Wala na akong lakas at kompiyansa sa pag-aalaga sa aking asawa.”

Ang mga-asawa ay kasamang naninirahan ang pamilya ng kanilang panganay na anak. Ngunit, si Ishii lamang ang nais na mag-alaga sa kanyang baldadong asawa.
Ang pagiging suspek ni Ishii ay lumabas matapos umanong mag-sabi ito sa kanyang kapatid na lalaki na siya namang nag-alerto sa pulis.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation