Natanggap na ng bansang Japan ang ikalawang shipment ng bakuna

Plano ng pamahalaan na ipamahagi sa mga prepektura ang 1.17 milyong doses para sa mga medical workers sa loob ng 2 linggo mula sa ika-1 ng Marso.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNatanggap na ng bansang Japan ang ikalawang shipment ng bakuna

Natanggap na ng Japan ang ikalawang shipment ng bakuna para sa coronavirus na ginawa nang US pharmaceutical company na Pfizer.

Ang mga bakuna ay dumating sa Narita Airport na malapit sa Tokyo mula Belguim.

Ang mga vaccine doses ay naka-lagay sa mga espesyal na karton na nilagyan ng dry ice at dinala sa isang warehouse. Ang mga ito ay hinakot gamit ang isang truck at inilipat sa isang storage house sa labas ng airport.

Ang shipment na ito ay sumunod sa paunang delivery nuong ika-12 ng Pebrero. Ayon sa opisyal ng pamahalaan ang mga dumating sa ngayon ay may katumbas na mahigit 450,000 na shots, kung ang maximum na anim na dosage ay gagamitin mula sa isang vial.

Kapag ipinag-sama mula sa unang shipment, ang Japan ay nakatanggap na ng mahigit 838,000 na doses o shot sa hindi humigit na 420,000 katao.

Plano ng pamahalaan na ipamahagi sa mga prepektura ang 1.17 milyong doses para sa mga medical workers sa loob ng 2 linggo mula sa ika-1 ng Marso.

Plano rin nitong i-airlift ang karagdagang doses kapag pinayagan na ng European Union ang awtorisasyon.

Ang bilang ng mga Healthcare workers na inaasahang maka-tanggap ng bakuna ay maaaring tumaas ng mahigit 1 milyon mula sa inisyal na bilang na umabot sa 3.7 milyon.

Ang timing sa pag-babakuna, kabilang ang sa mga naka-tatanda ay maaaring ma-apektuhan kung ang supply ng bakuna sa Japan ay hindi maibigay ng maayos.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund