OSAKA (TR) –nagsa-gawa ng imbestigasyon ang Osaka Prefectural Police matapos pumanaw ang lalaking natagpuang sinaksak sa lungsod ng Sakai, mula sa ulat ng TBS News (Feb. 16).
Bandang pasado alas-9:20 ng umaga, isang empleyado mula sa isang tindahan roon ang nag-bigay alam sa mga pulis tungkol sa isang lalaki na “nag-collapse at sumusuka ng dugo” sa isang kalsada sa Naka Ward.
Ayon sa mga pulis, ang lalaki ay pinaniniwalaang nasa 20’s o 30’s na edad, at kalaunang kinumpirmang pumanaw na isang pagamutan. Nag-tamo ng laslas sa leeg ang nasabing lalaki.
Wala namang palatandaan na nagkaroon ng away sa lugar ng pinangyarihan. Ngunit mayroong nakitang patalim na may haba na 9 cm na nasa tabi ng biktima, ayon sa pulis.
Itinuturing ng mga awtoridad na ito ay isang kaso ng foul play o pagpapa-tiwakal.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation