MGA KASAPI NG PARTIDO NA APEKTADO SA HOSTESS BAR SCANDALS

Nag-lagi umano ang mga ito sa hostess bar sa Ginza, isa sa pangunahing distrito ng entertainment.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMGA KASAPI NG PARTIDO NA APEKTADO SA HOSTESS BAR SCANDALS

Nag-aalala ang partido ng Japan na nasasangkot sa mga ihostess bar scandals kamakailan na kinasasangkutan ng mga mambabatas ay maaaring makaapekto sa mga rating ng pag-apruba ng Gabinete sa darating na halalan.

Tatlong mambabatas ng pangunahing ruling Liberal Democratic Party ay naiulat na nagpunta sa mga lugar ng kainan at inuman noong nakaraang buwan, sa kabila ng kasalukuyang State of Emergency.

Nag-lagi umano ang mga ito sa hostess bar sa Ginza, isa sa pangunahing distrito ng entertainment.

Kasama sa tatlo ang dating pinuno ng National Public Safety Commission na si Matsumoto Jun, ang Minister of Education ng estado na si Tanose Taido at ang Deputy ng Diet Affairs na si Otsuka Takashi. Dumal sila sa party noong Lunes.

Ang ika-apat na mambabatas, si Toyama Kiyohiko, mula sa junior coalition party na Komeito, ay nagbitiw sa Diet noong Lunes matapos na iulat ng isang magazine ang pagpunta niya sa isang hostess bar sa Ginza noong nakaraang buwan.

Sinabi ng mga miyembro ng ruling parties na ang pag-alis ng apat na mambabatas ay hindi maiiwasan, dahil kumilos sila nang hindi naaangkop sa panukala ng gobyerno sa mga tao na sumunod sa anti-coronavirus restrictions.

Ipinahayag din nila ang pag-aalala na ang mga iskandalo ay maaaring humantong sa pagbaba ng mga rating ng pag-apruba ng Gabinete at makaapekto sa kakayahan ng gobyerno na magpatupad ng mga panukala.

Kamakailan lamang nakaranas ang ruling party ng serye ng mga setbacks sa mga lokal na halalan. Ang mga kandidato na suportado nila ay natalo sa halalan sa Yamagata Gubernatorial noong nakaraang buwan at halalan sa pagka-alkalde sa Chiyoda Ward ng Tokyo noong Linggo.

Sa isang City Assembly Election ng lungsod sa Kitakyushu, anim sa 22 nanunungkulang miyembro ng LDP ang nawala sa puwesto.

Ang ruling camp ay nagpahayag ng pag-aalala na ang pinakabagong mga iskandalo ay maaaring makaapekto sa mga kampanya para sa paparating na halalan sa Mababang Kapulungan at sa Tokyo Assembly Election sa Hulyo.

Sinabi ng mga partido ng oposisyon na ang mga kamakailang resulta ng halalan ay resulta ng hindi kasiyahan ng mga tao sa mabagal na pagtugon ng gobyerno sa pandemya.

Idinagdag pa ng mga miyembro ng oposisyon na ang mga mambabatas na kasangkot sa mga iskandalo ay sumasalamin sa kayabangan at pagiging komportable ng mga ruling parties.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund