ANRI, NAGBITIW NA SA TUNGKULIN

Si Kawai, 47, na nag-bitiw sa ruling Liberal Democratic Party dahil sa iskandalo, ay minabuti nitong magbitiw sa pwesto bago pa man matapos ang dalawang linggong palugit.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO- Upper house member na si Anri Kawai, na napatunayang nagkasala noong nakaraang buwan ng pagbili ng boto noong halalan sa 2019, noong Miyerkules ay nagsumite ng kanyang pagbibitiw bilang isang mambabatas, ayon sa isang reliable source.

Si Kawai, 47, na nag-bitiw sa ruling Liberal Democratic Party dahil sa iskandalo, ay minabuti nitong magbitiw sa pwesto bago pa man matapos ang dalawang linggong palugit na magsampa ng apela sa kanyang kaso na magtatapos sa Huwebes. Siya ay awtomatikong matatanngal sa pwesto kapag natapos ang pagpapasiya ng korte.

Ang kanyang asawang si Katsuyuki Kawai, 57, dating Justice Minister at isang kasapi ng mababang kapulungan, ay nasa paglilitis din sa iskandalo sa pagbili ng boto.

Noong Enero 21, hinatulan ng Korte ng Distrito ng Tokyo si Anri Kawai ng 16 na buwan pagkabilanggo, at masuspinde ng limang taon, sa pakikipagsabwatan sa kanyang asawa, na nagbitiw din sa LDP, nang paglabag sa batas ng halalan sa pamamagitan ng pamumudmod ng ¥1.6 milyong yen sa apat na Hiroshima Prefectural Assembly Members sa pagitan ng Marso at Mayo sa 2019.

Mariin niyang pinabulaanan ang lahat ng paratang laban sa kanya.

Dahil sa kanyang pagbibitiw sa tungkulin ay mawawalan ng pwesto sa House of Councilors na kumakatawan sa Hiroshima Prefecture, ang isang halalan upang pumili ng kanyang kapalit ay itinakdang ganapin sa Abril 25, ang parehong petsa na itinakda para sa mga halalan sa Hokkaido at Nagano.

Ang paparating na mga halalan ay inaasahang magbibigay ng gauge sa mga prospect para kay Punong Ministro Yoshihide Suga, na ang approval rate ay bumagsak kamakailan sa kanyang paghawak ng coronavirus pandemya, bagaman ang LDP ay hindi maglalagay ng kandidato sa House of Representatives sa Hokkaido .

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund