CHIBA – Inaresto ng Chiba Prefectural Police ang 22 taong gulang na lalaki dahil sa pag-atake at pagnakawan umano sa isang matandang babae at asawa nito sa Lungsod ng Ichihara noong nakaraang taon, ulat ng TV Asahi (Enero 28).
Bandang 9:30 ng gabi noong Nobyembre 14, si Eisuke Takahashi, walang trabaho, ay pinasok ang tirahan ng mag-asawa. Matapos ang paulit-ulit na pinagsasaksak sa likod ang babae gamit ang isang awl (isang matulis na bagay na gamit pang butas sa mga sapatos at sinturon), at sinakal naman ng suspek ang asawa nito.
Ninakawan din umano ng suspek ang mag-asawa ng ¥200,000 yen na cash bago tumakas sa lugar na pinangyarihan. Ang babae ay nagtamo ng malalang pinsala, ayon sa mga awtoridad.
“Walang kwestiyon [ginawa ko] ang pagnanakaw. Ngunit tungkol sa pananakit, mananatili akong tahimik, “sinabi ni Takahashi sa kapulisan sa kanyang pagkaaresto sa salang ng Attempted Murder at Robbery noong Enero 27.
Pangalawang pagka-aresto na ito ni Takahashi. Ang suspek ay nanloob din sa parehong tirahan makalipas ang 11 araw. Gayunpaman, ang isang opisyal na nagmamanman sa nasasakupang lugar ang nakahuli sa kanya.
Inaalam ng kapulisan kung si Takahashi ay nanloob sa parehong tirahan sa pangatlong pagkakataon matapos ang ilang araw, ayon sa NHK (Enero 27).
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation