MAMBABATAS MAGBIBITIW SA TUNGKULIN MATAPOS MAGPUNTA SA ISANG HOSTESS BAR

Isang magasin ang nag-ulat na si Toyama ay nagpunta sa bar sa central  Tokyo kasama ang mga kakilala noong nakaraang buwan. Aminado siyang totoo ang ulat at humingi ng tawad.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMAMBABATAS MAGBIBITIW SA TUNGKULIN MATAPOS MAGPUNTA SA ISANG HOSTESS BAR

Ang isang mambabatas ng junior coalition party ng Japan ay nagtalaga ng kanyang pagbibitiw sa Diet kasunod ng isang ulat na binisita niya ang isang hostes bar ng Tokyo ng gabi habang ang kabisera ay nasa ilalim ng State of Emergency.

Ang mambabatas sa Mababang Kapulungan, na si Toyama Kiyohiko ng Komeito, ay nagsumite ng kanyang pagbitiw sa tagapagsalita ng kamara noong Lunes.

Isang magasin ang nag-ulat na si Toyama ay nagpunta sa bar sa central  Tokyo kasama ang mga kakilala noong nakaraang buwan. Aminado siyang totoo ang ulat at humingi ng tawad.

Noong nakaraang linggo, napag-alaman din na ang kanyang pangkat sa pamamahala ng pondong pampulitika ay sumaklaw sa gastos ng mga pagbisita sa mga hostess bar noong 2019.

Sinabi ni Toyama na ang report sa pondo ay naitama na , at bumaba mula sa posisyon ng representante ng pangkalahatang kalihim ng partido.

Ang Tokyo at iba pang bahagi ng Japan ay nasa ilalim ng state of emergency mula pa noong unang bahagi ng Enero dahil sa pagkalat ng coronavirus. Pinakiusapan ang mga restawran at bar na magsara ng 8 pm.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund