Lalaki, huli sa pagkidnap ng isang 14 taong gulang na babae na nakilala online

Inaresto ng pulisya sa lungsod ng Nara ang isang 31 taong gulang na lalaki sa pag kidnap sa isang 14-taong-gulang na batang babae na nakilala niya sa isang social network site. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki, huli sa pagkidnap ng isang 14 taong gulang na babae na nakilala online

NARA

Inaresto ng pulisya sa lungsod ng Nara ang isang 31 taong gulang na lalaki sa pag kidnap sa isang 14-taong-gulang na batang babae na nakilala niya sa isang social network site.

Ayon sa pulisya, si Yu Ito, na nagtatrabaho bilang isang caregiver ay nakilala ang batang babae na nasa junior high school sa isang site ng social network noong unang bahagi ng Enero, iniulat ni Sankei Shimbun.

Sinet-up niya ang pakikipag eyeball sa menor de edad sa isang istasyon sa Nagoya bandang 2 ng hapon. noong Enero 4. Dinala niya ang dalaga sa kanyang tahanan kung saan kinulong niya ito hanggang Pebrero 1.

Iniulat ng mga magulang ng batang babae na nawawala ito noong gabi ng Enero 4.

Ang isa sa mga kasamahan sa trabaho ni Ito ay nakipag-ugnayan sa pulisya at sinabi na maaaring siya ang nag kidnap sa isang menor de edad sa kanyang bahay. Sinabi ng pulisya na ang batang babae ay hindi naman nasaktan matapos matagpuan siya dakong 11:20 ng umaga noong Lunes.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund