TOYOTA, Aichi- Iaresto ng kapulisan ng Toyota City, Aichi Prefecture, ang 30 taong gulang na lalaki matapos itong mag-post ng isang mensahe sa social network site, na nag-aalok ng ¥100 milyong yen sa sinumang makakapatay sa 66 taong gulang na alkalde ng lungsod na si Toshihiko Ota.
Ayon sa pulisya, si Shinya Yamauchi, isang empleyado na hindi nagtagumpay sa pagtakbo laban kay Ota sa halalan ng pagka-alkalde ng Lungsod ng Toyota noong Pebrero 2020, ay nag-post ng larawan ng kanyang sarili na nakatayo sa tuktok ng bato na pintuan na tirahan ng alkalde, habang hawak ang tila isang matalim na sandata, dakong ala-1: 30 ng madaling araw ng Sabado, iniulat ng Fuji TV. Kasama rin sa post ang larawan ng isang tumpok na pera.
Sa post, nag-aalok si Yamauchi ng ¥100 milyong yen para sa pagpatay sa alkalde, lalo na ang sinumang nahihirapan dahil sa coronavirus. Ang post ay nakita ng isang empleyado ng pamahalaang lungsod at inabisuhan ang kapulisan.
Ipinahayag ng mga pulis na inamin ni Yamauchi ang pagkakasala at sinabi niyang na-frustrate siya sa ilang ulit na pagtanggi ng alkalde na makausap siya matapos niya magtungo sa tanggapan ng alkalde mula Enero
25-28. Sinabi din niya na wala siyang ¥100 milyon yen.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation