DRAYBER, INAKUSAHAN NG FATAL ASSAULT

Ang bangkay ni Matsuoka ay natagpuang nakahandusay sa kanal.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

GIFU – Inaresto ng Gifu Prefectural Police ang isang 56 taong gulang na driver ng trak kaugnay sa sinasabing fatal assault ng isang katrabaho sa Lungsod ng Kakamigahara noong nakaraang taon, ulat ng Jiji Press (Enero 27).

Maaga noong Hulyo 6, sinugod umano ni Yoshihiko Asano, 56, si Yukihiro Matsuoka, 32, sa isang sports ground, dahilan ng kanyang pagkahulog sa isang kanal at nalunod.

Yoshihiko Asano, Twitter

Nang maaresto ang suspek dahil sa salang pagpatay noong Enero 27, inamin ni Asano ang mga paratang laban sa kanya , ayon sa kapulisan.

Bago ang insidente,nakaranas ng malakas na pag-ulan ang lungsod na posibleng naging sanhi ng pagtaas ng antas ng tubig sa kanal.

Ang bangkay ni Matsuoka ay natagpuang nakahandusay sa kanal bandang 11:00 ng umaga noong Hulyo 8, kung kailan ang lalim ng tubig ay nasa 1 sentimeter.

Si Asano ay nakatira kasama ang tatlong iba pang mga tao. Matapos matuklasan ang bangkay ni Matsuoka, regular na nagtatrabaho si Asano hanggang Enero 23.

Si Asano ay naging person of interest ng kapulisan matapos ang pagsusuri sa kuha ng security camera. Sinabi ng mga kapitbahay at kakilala sa Gifu Shimbun na mahilig si Asano na magsugal sa karera ng kabayo at bisikleta.

Ayon sa papel, nalaman ng kapulisan na si Matsuoka ay nagpahiram ng pera kay Asano. Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad kung iyon ang naging dahilan sa krimen.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund