OKAYAMA, Japan (Kyodo) – Ang isang 68 taong gulang na lalaki ay naaresto noong Lunes dahil sa pananakit sa isang doktor na nagtanong sa kanya na huwag isuot ang face mask sa baba sa isang ospital sa Prepektura ng Okayama kanlurang Japan, ayon sa mga pulis.
Si Tatsuo Shimizu mula sa lungsod ng Okayama ay nag-sabi sa mga awtoridad, “Nakipagtalo ako (sa doktor), ngunit hindi ako gumamit ng karahasan.”
Sinunggaban diumano ni Shimizu ang lalaking doktor sa dibdib, na nagresulta ng minor injury, noong Enero 25, ayon pa sa mga pulis.
Si Shimizu, na bumibisita sa ospital para magpatingin, ay nagalit matapos makita ng 34 taong gulang na doktor na suot ang nitong face mask sa baba at sinabihan lung pu-pwede nitong isuot ito ng maayos, dagdag ng kapulisan.
Iniulat ng doktor ang insidente sa kapulisan noong Enero 28.
Habang marami sa publiko ang gumagamit ng facemask upang maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus, inirekomenda ng mga eksperto sa medisina na isuot ito ng maayos ng mga tao upang ma-maximize ang bisa.
Ang suot ng mask pababa sa baba ay nagdaragdag ng panganib sa impeksyon sapagkat nagdadala ito ng mga pathogens na maaring kumapit sa mukha papuntang bibig kapag ang mask ay hinila muling pataas.
Source: The Mainichi
Image: Gallery
Join the Conversation