ISANG PUBLIC HEALTH NURSE SA TOKYO ANG NAGNINILAY PATUNGKOL SA TAONG 2020, AT ANG PATULOY NA MISYON

"Marahil ay hindi tayo gumagawa ng sapat na hakbang upang subaybayan ang pagpapagaling ng pasyenteng nasa kanilang kabahayan, ngunit ang pinaka makakaya natin sa ngayon ay paalalahanan sila na kumontak sa amin kung saka-sakaling may pagbabago sa kanilang karamdaman."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspISANG PUBLIC HEALTH NURSE SA TOKYO ANG NAGNINILAY PATUNGKOL SA TAONG 2020, AT ANG PATULOY NA MISYON

TOKYO – “Nakipagtulungan kami sa Pamahalaang Metropolitan ng Tokyo at naghanap ang buong rehiyon, ngunit wala kaming nakitang ospital tatanggap sa kanila.”

Si Hisako Arai, 49, ang pinuno ng Public Health and Disease Prevention Section sa Minato Ward ng Tokyo, na namamahala sa lokal coronavirus response bilang isang public health nurse ay nagkuwento ng personal  na pakiki-baka upang makahanap ng isang medikal na pasilidad na tatangap ng mga pasyente sa gitna ng outbreak. Ang ganitong mga pagkakataon ay isang halimbawa ng hirap sa trabaho na kinaharap niya at ng mga kasamahan mula nang magsimulang kumalat ang mga impeksyong dala ng coronavirus sa pagtatapos ng 2020.

Ang nakaraang taon ay ang pinaka-mahirap at pinaka-busy na taon sa Center. “Marahil ay hindi tayo gumagawa ng sapat na hakbang upang subaybayan ang pagpapagaling ng pasyenteng nasa kanilang kabahayan, ngunit ang pinaka makakaya natin sa ngayon ay paalalahanan sila na kumontak sa amin kung saka-sakaling may pagbabago sa kanilang karamdaman,” aniya.

Ang turbulence mula sa pagkalat ng virus na nagsisimulang tumama sa center matapos ang yugto ng Bagong Taon ay natapos noong 2020. Maraming mga kumpanya sa ward ang may mga negosyo sa Tsina, at kaagad nagsimulang kumalat ang mga impeksyon mula sa lungsod ng Wuhan, ang sentro ay pinuno ng mga consultation requests.

Ang pitong public health nurse sa sentro ay inaasahang tumugon sa mga pangangailangan ng halos 260,000 residente sa Minato Ward. Sa araw, ang bilang ng mga tao sa ward ay lumampas sa populasyon nito ng halos apat na beses, at ang lugar ay kilala din sa kanilang dining business ng alinman sa 23 espesyal na ward ng Tokyo.

Ang departamento ni Arai ay lumaki sa loob ng isang taon mula sa 20 mga manggagawa hanggang sa halos 70, at ang listahan ng mga public health nurses ay umakyat din sa 21. Ngunit sa kinahaharap na third wave ng mga impeksyon, ang bilang ng mga health workers ay mananatiling hindi sapat.

Nasa trabaho pa rin si Arai kahit pasado 11:00 na ng gabi, at sinabi niya na naisip na din niyang mag-bitiw sa hindi makailang beses. Ngunit sa kabila nito, sinabi niya na nagpapatuloy siya dahil “ang coronavirus ay isang problema na nakakaapekto rin sa ating lahat.”

Nang tanungin kung ano ang nakita niyang positibo sa mga panahong ito, binanggist niya na nakapagtipon sila ng mga bata at mahuhusay na trabahador. Sinabi ni Arai na nais niyang makipagtulungan kasama ang buong team upang mapagtagumpayan ang sitwasyong kinakaharap at makita ang finish line.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund