TOKYO – Isang miyembro ng Liberal Democratic Party (LDP) na si Takaki Shirasuka ay nagbitiw sa partido nitong Miyerkules matapos ang paglitaw ng mga report na nagdedetalye sa kanyang pagbisita sa isang hostess club ng unang bahagi nng buwan.
Ipinahayag sa website ng Shukan Bunshun Tabloid, na si Shirasuka diumano’y kasama ng isang babae na bumisita sa club, na matatagpuan sa Azabu Juban area ng Minato Ward, sa pagitan ng 8:30 ng gabi. at 10:00 pm nuong Pebrero 10.
Bago pa roon, kumain ang mambabatas sa isang French Restaurant sa Akasaka. Pagkatapos siya ay sumakay ng taxi papuntang Azabu Juban. Ang mga larawang inilathala ng site ay nagpapakita sa mamambabatas lulan ng elevator na may kasamang babae.
“Humihingi ako ng paumanhin mula sa kaibuturan ng aking puso sa aking pagbisita sa [club] habang nasa State of Emergency ang kapital,” pahayag ni Shirasuka noong Miyerkules. Idinagdag din niya ang hindi niya pagtakbo sa susuunod na halalan ng House of Representatives.
STATE OF EMERGENCY
Noong Enero 8, idineklara ng gobyerno ang State of Emergency sa Tokyo at tatlo pang mga Prepektura sanhi ng coronavirus pandemic.
At ayon sa nnaikasang mga panukala kkinakailagang magsara ang mga bar at restawran pasado 8:00 ng gabi. Kalaunan ay inextend hanggang Marso 7.
Kumakatawan si Shirasuka sa nasasakupang lugar sa Prepektura ng Chiba. Dati rin siyang Vice Education Minister sa Parliamento.
Ang pagbibitiw sa tungkulin ay hindi na bago sa isyu o usaping ito. Noong Pebrero 1, si Jun Matsumoto at ang dalawa pang mambabatas ng LDP na bumisita sa dalawang hostess club sa Ritzy Ginza District ng Chuo Ward noong Enero 18.
Noong Pebrero 1 din, si Kiyohiko Toyama, ang acting Secretary General ng Komeito, isang coalition partner ng LDP, ay nagbitiw sa parlyamento dahil din sa pagbisita sa sa hostess club ng Ginza noong Enero 22.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation