WASHINGTON- Hinihimok ng mga researchers nitong Miyerkules ang mga gobyerno na antalahin ang pagbibigay ng pangalawang dosis ng bakuna kontra COVID-19 ng Pfizer Inc, na sinasabing may bisa na 92.6% matapos ang unang dosis.
Ang mga researchers na sina Danuta Skowronski at Gaston De Serres, ay nagpahayag na ang kanilang mga findings mula sa mga dokumentong isinumite ng Pfizer sa U.S. Food and Drug Administration.
Ang mga nasabing findings na ito ay katulad ng unang dose ng mRNA-1273 na may efficacy na 92.1% mula sa MODERNA Inc. , ipinahayag nila Skowronski at De Serres sa kanilang liham na inilathla para sa New England Journal of Medicine.
Kungsaan sila ay nagbigay ng babala tungkol sa maaring walang katiyakan ang duration ng proteksyon ng first dose ng bakuna, ngunit ang pagbibigay ng second dose o ang tinatawag na booster shot makalipas ang isang buwan ng pangunang bakuna ay kinakitaan nng ” Kaunting dagdag na benepisyo sa maikling panahon.”
“Dahil sa kasalukuyang shortage sa bakuna, ang postponement ng pangalawang dosis ay isang bagay ng pambansang seguridad , na kung hindi bibigyang pansin ay tiyak na magreresulta sa libu-libong mga kaso ng pakaka-ospital o kamaatayan na may kaugnayan sa COVID-19 ngayong tag-lamig sa Estados Unidos.”, babala ng mga may-akda.
Sa tugon ng Pfizer sinasabi nito na ang mga alternative dosing regimen ng vaccine nito ay hindi pa nasusuri at ang desisyon na gawin ang mga iyon ay nakasalalay sa mga Health Authorities.
“Kami sa Pfizer ay naniniwala na kritikal para sa mga Health Authorities na magsagawa ng surveillannce sa ipinapatupad na mga alternatibong iskedyul ng dosis upang matiyak na ang mga bakuna ay nagbibigay ng maximum possible protection,” dagdag pa nito.
Source: Japan Today
Join the Conversation