TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang dating empleyado ng Mizuho Bank dahil sa pagnanakaw ng higit sa ¥50 milyong yen, ulat ng NHK (Pebrero 7).
Sa dose-dosenang mga okasyon sa pagitan ng Disyembre 2017 at Abril 2019, si Haruyo Ichinoseki, 40, ay nagnakaw umano ng halos ¥52 milyong yen na cash mula sa Hiroo Branch ng Minato Ward.
Sa kanyang pagka-aresto dahil sa salang pagnanakaw noong Linggo, inamin ni Ichinoseki ang mga paratang. “Dahil sa patong- patong na stress, ginamit ko ang pera sa pag-travel at pagbili ng mga damit sa ibang bansa,” paliwanag ng suspek sa mga opisyal ng Azabu Police Station.
Ayon sa kapulisan, si Ichinoseki, na nakatira sa Setagaya Ward, ay namamahala sa Loan Agreements. Sa kanyang pagsasagawa ng panlalansi, kinulekta niya ang mga pondo na inilaan para sa mga fabricated loan agreements.
Ang anomalya ay nabigyang linaw matapos isagawa ang isang Internal Audit. Sinisante ng bangko si Ichinoseki noong Oktubre 2019. Isang reklamo ang naihain sa kapulisan laban sa kanya makalipas ang dalawang buwan.
At ayon sa resulta ng isinagawang imbbestigasyon , lumikha ang salarin ng mga pekeng dokumento at kontrata at winidraw ng pera sa mga umuutang diumano.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation