DATING DEPUTY MAYOR AT KANYANG INA , PATAY, SA ISANG MURDER SUICIDE

Ayon sa kapulisan na walang mga palatandaan na sapilitang pinasok ang bahay o anumang senyales ng pagnanakaw.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

ISHIKAWA- Ang mga bangkay ng dating deputy mayor ng bayan ng Nakanoto sa Prepektura ng Ishikawa at ang kanyang ina, na nasa 90s, ay natagpuang pawang wala ng buhay ng mga awtoridad sa isang kasong pinaniniwalaang murder-suicide.

Ayon sa mga pulis, ang anak na babae ni Yasuo Hirose ay tumawag sa 119 bandang 12:05 ng Lunes at sinabi na ang kanyang ama at lola ay nakahandusay at pawang duguan, iniulat ng Sankei Shimbun. Nang dumating ang mga opisyal, natagpuan nila si Hirose at ang kanyang ina sa kwarto sa unang palapag ng bahay, parehong duguan ang mag-ina mula sa mga sugat ng sanhi diumano ng mga saksak sa leeg. Si Hirose ay nakahiga sa isang tatami mat habang ang kanyang ina ay nasa kanyang kama.

Ayon sa kapulisan na walang mga palatandaan na sapilitang pinasok ang bahay o anumang senyales ng pagnanakaw.

Dinala ang mag-ina sa ospital kung saan sila kinumpirmang parehong wala nang buhay.

Noong Enero 15, nagbitiw si Hirose sa posisyon bilang deputy mayor at inihayag ang kanyang hangaring pag-takbo sa pagka-alkalde sa darating na halalan nitong Marso 21.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund