GUNMA – Ang Gunma Prefectural Police ay kasalukuyang pinahahanap ang dalawang lalaki na sangkot sa nakawang naganap sa isang pachinko parlor sa Lungsod ng Midori noong Linggo, iniulat ng Sankei Shimbun (Pebrero 14).
Pasado 10: 30 ng umaga, ang sinasabing dalawang lalaki ay pumasok sa isang tindahan kalapit ng Maruham Omama na nagpapalit ng ng mga bola panlaro . “Walang gagalaw!” sigaw ng isa sa 47 taong gulang na babaeng empleyado.
Matapos itali ang mga kamay ng empleyado gamit ang tape at i-blindfold siya, agad ding tumakas ang mga salarin tangay ang ¥13 milyong yen na cash. Ang empleyado ay hindi nasaktan, ayon sa mga pulis ng Kiryu Police Station.
Ang tindahan ay mayroong electronic lock. Gayunpaman, nakapasok ang mga salarin matapos pindotin ng isa sa kanila ang tamang pass code.
Pinaniwalaang nag-eedad na 20, ang mga salarin ay may payat na pangangatawan. Sa oras ng insidente, pareho silang naka- itim na kasuotan, dagdag pa ng mga pulis.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation