MATANDANG BABAE, NINAKAWAN NG ¥15 MILYON

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na ang lalaki ay isang bogus metal dealer at paraan lamang nito ang ginawang pagbisita upang makita kung may kaya sa buhay ang matandang babae.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

FUJISAWA, Kanagawa – Isang matandang babae sa Fujisawa,Prepektura ng Kanagawa, ay ninakawan ng ¥15 milyong cash habang siya ay nasa labas at namimili, ayon sa mga awtoridad noong Lunes.

Ayon pa sa mga pulis, ang babaeng may-ari ng bahay ay nasa labas upang mamili noong umaga ng Enero 20, iniulat ng Sankei Shimbun. Nang makauwi,kanyang natuklasan na siya ay nanakawan kaya agad itong tumawag sa kapulisan

Ipinahayag ng mga awtoridad, na nabanggit sa kanila ng babae na ilang araw na ang nakalilipas nakatanggap siya ng isang tawag sa telepono mula sa isang lalaki na nagpapakilala bilang isang mamahaling dealer ng metal at nais malaman kung ay mayroong itong anumang bagay na may halaga. Tinanong niya kung maaari ba siya bumisita upang suriin ang value ng mga ito at nagpunta diumano ang sinasaning lalaki sa parehong araw. Binalaan pa daw siya na itago ang kanyang mahahalagang gamit sa isang ligtas na lugar.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na ang lalaki ay isang bogus metal dealer at paraan lamang nito ang ginawang pagbisita upang makita kung may kaya sa buhay ang matandang babae.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund