KANAGAWA – Inaresto ng mga awtoridad ng Oiso, Prepektura ng Kanagawa, ang isang 73 taong gulang na lalaki sa salang attempted murder matapos nitong saksakin ang kanyang 43 taong gulang na anak sa loob ng kanilang tahanan.
Ayon sa mga pulis, sinaksak ni Tetsuo Imai ang tiyan ng kanyang bunsong anak na si Yuji, iniulat ng Sankei Shimbun. Naganap ang insidente dakong 10:00 ng gabi noong Linggo nang sinubukan ni Yuji na pumagitna sa pagtatalo ng kanyang ama at ina. Sinabi pa ng mga pulis na si Yuji ay nagtamo ng matinding sugat dahil sa pagkaka-saksak.
Dagdag pa ng mga awtoridad na si Imai ay lasing sa oras ng insidente. Sinabi din nila na bahagyang itinanggi ng suspek ang paratang at sinabing wala siyang balak patayin ang kanyang anak. “Dahil ang aking anak na lalaki at ako ay may pagkakaiba sa laki, malamang na mabubugbog ako kung hindi ko siya sinaksak.”
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation