Share
HIROSHIMA- Inaresto ng mga pulis ng Fukuyama, Prepektura ng Hiroshima, ang isang 36 taong gulang na lalaki matapos itong mahuli sa isang pampublikong paliguan para sa kababaihan nitong Linggo ng umaga.
Ayon sa mga awtoridad, si Hiroshi Nakaoka, isang guro ng high school, ay pumasok sa bath house ng mga kababaihan dakong 12:10 ng Linggo, iniulat ng Fuji TV. Nakasuot umano ng mahabang wig, may make-up at may twalya na nakabalot sa kanyang katawan upang maitago ang kanyang paglalaki.
Gayunpaman, napansin ng isang babaeng naliligo na may kakaiba sa suspek at agad na nagpatawag ang isang empleyado kung saan na-detain si Nakaoka hanggang sa dumating ang mga awtoridad.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation