Ang mga pari ng Budismo at ang kanilang mga tagasunod ay nanalangin na matapos na ang pandemya dala ng coronavirus habang nakikilahok sa purification rite, kung saan naligo sila ng malamig na tubig mula sa Koyasan, o Mount Koya.
Ang World Heritage site sa Prepektura ng Wakayama sa Japan, ang Koyasan na may maraming templo at sentro ng Shingon Buddhism.
Noong Linggo, walong katao mula 20 hanggang 60 ang nagsagawa ng cold water ablution sa malinaw na sapa sa templo ng Okunoin. Kilala ang Okunoin sa malaking sementeryo nito.
Nakasuot ng mga puting damit, naligo ang mga pari sa malamig na tubig at maulan na panahon. Pinananatili nila ang distansya mula sa isa’t isa bilang pag-iingat laban sa impeksyon. Ang temperatura ng hangin at ng tubig ay parehong 4 degree Celsius ng 10:00 ng umaga.
Nagcha-chant sila ng mga sutra sa tunog ng pagpalakpak ng mga kahoy na bloke ng halos 10 minuto.
Isang matandang pari sa templo ng Hojuin, si Tsujita Shinkai, ay nagsabi matapos ang ablution na ipinagdasal nila na matapos na ang epidemya at para sa kapayapaan sa buong mundo sa mahirap na taong ito.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation