CHIBA – Napatay sa saksak ng isang lalaki ang kanyang ina at kapatid sa Lungsod ng Nagareyama noong Huwebes, ayon sa mga pulis, ulat ng NHK (Enero 1).
Bandang 8:35 ng gabi, isang babae ang tumawag sa kapulisan, “Magpadala ng ambulansya,” sabi niya.
Pagdating ng kapulisan sa kanilang tirahan ay natagpuan ang isang babae na nasa edad 70 at ang kanyang anak na babae, na nasa edad 40, parehong nakahandusay sa loob ng unang palapag ng kanilang tirahan.
Ang kababaihan, ay nagtamo ng mga sugat ng saksak, ay di kalaunan nakumpirmang namatay sa isang ospital, sinabi ng Nagareyama Police Station.
Bandang 11:00 ng gabi, ang anak na lalaki ng ginang, na may edad 30s, ay sumuko sa isang koban police box sa lungsod.
“Gumamit ako ng kutsilyo upang saksakin ang aking ina at kapatid,” sinabi habang hawak ang isang kutsilyo na may bahid dugo. May sugat siya sa leeg at pulso.
Maliban sa kanyang ina, kasama din ng lalaki sa tirahan sa kanyang ama at lola. Ang kanyang kapatid na babae ay bumisita lamang.
Sa oras ng insidente, ang kanyang ama ay nasa ikalawang palapag. Hindi ito nasaktan, ayon sa mga pulis.
Plano ng mga awtoridad na kwestyunin ang lalaki sa salang pagpatay matapos nitong magpagaling mula sa kanyang mga tinamong pinsala.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation