LALAKI, ARESTADO SA PAGPATAY SA 76 ANYOS NA INA

Si Yamaguchi, ay nasa bahay ng mga oras nang dumating ang kanyang kapatid na babae, ay nanatiling tahimik tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

NAGOYA- Sinabi ng kapulisan sa Nagoya noong Lunes na naaresto nila ang isang 52 taong gulang at walang trabahong lalaki na suspek sa pagpatay sa kanyang 76 taong gulang na ina sa kanilang apartment noong Linggo.

Ayon sa mga awtoridad, sinasaktan ni Takeshi Yamaguchi ang kanyang ina na si Kazuko at tinatamaan sa ulo at mukha sa pagitan ng Disyembre 30 at Enero 3 sa kanilang bahay sa Meito Ward, iniulat ng Sankei Shimbun.

Si Kazuko ay natagpuang nakahandusay sa sahig ng kanyang anak na babae dakong 10:40 ng Linggo. Siya ay dumating upang kamustahin ang kalagayan ng ina kung mabuti pagkatapos itong hindi makontak ng isa pang anak na lalaki mula noong nakaraang linggo.

Agad na tumawag ang anak na babae sa 110. Ang mga pulis at isang ambulansya ay dumating sa bahay ngunit si Kazuko ay idineklarang patay sa lugar ng pinangyarihan. Sinabi ng pulis na nakitaan ng mga saksak ang kanyang katawan.

Ayon pa sa mga pulis, si Yamaguchi, ay nasa bahay ng mga oras nang dumating ang kanyang kapatid na babae, ay nanatiling tahimik tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina, na sinasabing wala nang iba kundi “Hindi ko alam.”

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund