NARITA, Chiba – Naging patok ang benta ng mga Japanese airlines sa pagbebenta ng mga in-flight na pagkain para sa mga hindi makalipad sa ibang bansa ngunit nais matikman ang mga pagkain sa eroplano sa gitna ng coronavirus pandemic.
Ang all Nippon Airways Co. (ANA) ay naibenta ang mga pagkain sa online ng tatlong beses mula noong nakaraang Disyembre upang masiyahan at matikman muli ang mga pagkain ng eroplano sa kanilang mga bahay.
Ang lahat ng mga pagkain nito ay na sold out sa loob lamang ng ilang araw, at plano ng airline na magdagdag ng isang bagong ulam sa menu sa Enero 26.
Samantala, ang Japan Airlines Co. (JAL), ay naghahain ng mga in-flight na pagkain sa isang restaurant na malapit sa Narita airport sa Chiba Prefecture, silangan ng Tokyo, at nagsimula ring ibenta ang ibang menu sa ibang bansa noong Enero sa kauna-unahang pagkakataon.
Join the Conversation