BATANG LALAKI,14, PATAY, MATAPOS MASAGASAAN

Ang batang lalaki na si Konosuke Nakano ,14, ay naglalakad pauwi nang siya ay mabangga ng trak .

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Japan ambulance

AOMORI – Inaresto ng kapulisan ng Oirase, Prepektura ng Aomori , ang isang 44 taong gulang na lalaki sa salang Negligent Driving resulting in Death matapos masagasaan ng minamanehong trak ang isang batang lalaki na tumawid sa kalye.

Ayon sa mga awtoridad , ang insidente ay naganap dakong 6:00 ng gabi Biyernes, iniulat ng Sankei Shimbun. Ang batang lalaki na si Konosuke Nakano ,14, ay naglalakad pauwi nang siya ay mabangga ng trak na minamaneho ni Satoshi Kuzumaki, isang empleyado mula sa Misawa. Dinala ang bata sa ospital kung saan namatay ito dahil tinamong matinding pinsala sa ulo bandang 8:30 ng gabi.

Dagdag pa ng mga pulis na mayroong mga traffic light sa tawiran. Mayroong ding niyebe na nakatambak sa magkabilang panig ng kalsada na natatakpan ng yelo noong panahong iyon.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund