Sinabi ng tourism ministry ng Japan na magpapalawak ng bayad para sa mga negosyo upang higit na matulungang mabawasan ang pagkalugi dahil sa coronavirus pandemic, kasunod ng biglang desisyon ng gobyerno na suspindihin ang domestic travel subsidy program sa buong bansa sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng coronavirus.
Ang hakbang na ito ay upang mabawasab ang mga alalahanin ng industriya ng tourism na ang hakbang na ihinto ang Go To Travel campaign mula Disyembre 28 hanggang Enero 11 ay makakaapekto sa mga negosyo, na nagsusumikap na makabawi at umaasang gagamitin ang oras na ito sana upang mabawi ang mga benta.
Ang mga kostumer na nakapag-book para sa mga rooms at tour package ng napailalim na panahon ay maaaring makapag cancel sila nang libre bago ang Disyembre 24, sinabi ng ministeryo.
Magbabayad ngayon ang gobyerno ng 50 porsyento ng mga nakanselang bookings hanggang sa 20,000 yen bawat tao bawat gabi, mula sa 35 porsyento, isinasaalang-alang ang mga bayad sa nadagdagan ng ilang mga negosyo ang bilang ng mga staff upang harapin ang inaasahang mga pagdagsa sana ng mga guest dahil sa winter holiday.
Join the Conversation